
Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 80 injuries dulot ng paggamit ng iligal na boga.
Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo, karamihan sa mga biktima ay mga bata, at ilan sa kanila ay nasugatan sa mukha.
Kaya muling nananawagan ang Pambansang Pulisya sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang mga insidente kaugnay ng paputok.
Samantala, mahigit 7,000 boga na ang nakumpiska ng PNP sa patuloy na kampanya kontra iligal na paputok.
Facebook Comments









