Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ng Assistant Chief ng Philippine National Police (PNP) Command Center na si Police Col. Joshua Alejandro na nasa 835 na ang naitalang firecracker-related incidents ng ahensya sa buong bansa.
Kung saan nasa 96 na indibidwal ang naitalang injured at nasa 28 indibidwal naman na ang naaresto ng ahensya.
Aabot naman sa 144, 866 na mga paputok ang nakumpiska sa mga isinagawang operasyon ng mga kapulisan.
Kaugnay nito, nag-deploy naman ng 4,368 personnel ang PNP sa 632 na Firecracker Zones at 1,490 personnel para sa 897 na Community Fireworks Display Areas.
Samantala, 2 ang naitalang nasawi at 4 ang injured dahil sa sunog dulot ng pyro devices o firecracker explosions.
Muli namang nagpaalala ang PNP sa publiko na iwasan ang ilegal na paputok at bantayan ang mga kabataan na kadalasang naaksidente dahil dito.









