PNP, nakapagtala ng higit 200 karagdagang kaso ng COVID-19

39

Nasa 258 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, umabot na sa 15,895 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.


67 ang nananatili sa mga ospital habang 2,623 ang kasalukuyang nasa quarantine facility.

Nananatili naman sa 40 ang bilang ng nasawi habang 171 ang nadagdag sa bilang ng mga nakakarekober na ngayon ay aabot na sa 13,165.

Facebook Comments