Umaabot sa 38 barangay ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na isinailalim sa granular lockdown sa National Capital Region (NCR).
Sa inilabas na datos ng PNP, 22 barangay ang naitala ng Northern Police District kung saan 72 lugar ang isinailalim sa lockdown.
Nasa 11 naman na barangay ang naitala ng Eastern Police District at nasa 15 lugar ang naka-lockdown.
5 lugar din ang naka-lockdown sa apat na barangay ang naitala ng Quezon City Police District habang isang lugar sa isang barangay ang naitala ng Southern Police District.
Wala naman naitalang lockdown ang Manila Police District kung saan nasa 264 na PNP personnel ang kasalukuyang nagbabantay sa mga lugar na naka-lockdown katuwang ang 304 na force multiplier.
Facebook Comments