PNP, nakapagtala ng mahigit 1.5 million health protocol violators sa loob ng 71 araw

Aabot sa mahigit 1.5 million health protocol violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng 71 araw mula May 6 hanggang July 17, 2021.

Ayon kay Deputy Chief for Operation at JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Ephraim Dickson, sa bilang na ito, mahigit 1 milyon ay pinagsabihan lang; 324,851 naman ang tinikitan o pinagmulta; 62,162 ang sumailalim sa community service habang nasa 45,875 ang inaresto.

Aniya, ang mga paglabag ng mga ito ay ang hindi pagsuot ng face mask, hindi pagsuot ng face shield, paglabag sa mass gathering at physical distancing.


Pinakamaraming naitalang paglabag aniya ay ang hindi pagsusuot ng face mask sinundan ng hindi pagsuot ng face shield.

Samantala, nakapagpatala rin ang JTF COVID Shield ng nasa mahigit 1.2 million curfew violators sa loob ng 44 araw sa buong bansa.

Ang Luzon ang may pinakamaraming naitalang curfew violators, sinundan ng Mindanao at pangatlo ang Visayas.

Facebook Comments