Umabot sa 1,425 ang kasong naitala ng Philippine National Police (PNP) sa gender-based violence sa habang umiiral ang community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19.
Batay sa datos ng PNP, nasa 1,184 ang kaso ng pambubugbog, 122 kaso ng panggagahasa at 90 kasong sa iba pang uri ng pambabastos sa mga kababaihan at kabataan.
Pinakamaraming kaso ng karahasan ang naitala sa Region 7 na may 407 at 122 naman ang naitala sa Western Visayas na sinundan ng CALABARZON na may 113 kaso
Ayon sa Philippine Commission on Women (PCW), posibleng mas mataas pa ang bilang ng mga ito dahil marami ang nagpapasaklolo sa NGOs, mga barangay, Women and Children
Protection Units, at iba pang services agencies.
Inaasahang tataas pa ang nasabing datos ngayong pinapayagan nang lumabas ng tahanan ang mga biktima at makapagsumbong sa mga awtoridad.