Aabot sa 4,083 na mga paglabag sa health protocol ang naitala ng Philippine National Police (PNP) ngayong campaign period.
Ito’y ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at PNP National and Local Elections Task Force Head Police Lt. Gen Ferdinand Divina.
Aniya, kabilang sa mga paglabag na kanilang naitala ang hindi pagsusuot ng face mask at kawalan ng social distancing.
Paliwanag ng opisyal, nabigyan ng babala, napatawan ng parusa at napag-community service ang mga violator na pawang mga tagasuporta habang wala namang kandidato ang napapanagot pa sa health protocol.
Pinakamaraming paglabag sa Region 12, Cordillera at Region 7.
Samantala, inamin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na alam niya ang sitwasyon sa ground at marami talagang hamon sa pangangampanya.
Pero patuloy aniya silang naka-monitor.