PNP, nakapagtala ng mahigit isang 100 bagong kaso ng COVID-19

Nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay huling tala mula sa PNP Health Service, 162 ang mga nadagdag sa bago nilang kaso kaya umabot na sa 2,123 ang mga aktibong kaso nila.

156 naman ang bilang ng mga bagong gumaling habang walang nadagdag sa mga nasawi na ngayon ay 51 na.


Samantala, sa update naman sa kanilang vaccination program.

Mahigit 9,000 na mga pulis na ang naturukan ng bakuna sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Facebook Comments