
Nakapagtala ng 18.4% na pagbaba ng bilang ng krimen ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.
Batay ito sa 70-day comparative crime statistics.
Bumaba ang kabuuang bilang ng 8 Focus Crimes sa 7,301 incidents mula January 12, 2025 hanggang March 22, 2025.
Kumpara ito sa 8,950 incidents noong November 3, 2024 hanggang January 11, 2025.
Naitala ang malaking pagbaba sa murder, homicide, at physical injury cases.
Gayunman, halos walang pagbabago sa carnapping incidents.
Kabilang sa mga rehiyong may malaking pagbaba ng bilang ng krimen ay ang National Capital Region Police Office (NCRPO), PRO 4A at PRO 7.
Facebook Comments