PNP, nakapagtala ng panibagong 59 kaso ng COVID-19

Panibagong 59 kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa datos ng PNP Health Service, kaya naman umabot na sa kabuaang 8,481 ang COVID cases sa PNP.

Pinakamaraming naitala ay sa National Headquarters sa Camp Crame na may 29 cases, siyam sa National Operations Support Unit, lima sa CALABARZON, apat sa National Administrative Support Unit.


Habang tig-tatlo sa Western Visayas, National Capital Region Police Office (NCRPO) at Northern Mindanao, dalawa sa Central Luzon at isa ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region.

Sa kabuuang bilang ng COVID-19 sa PNP, 480 dito ang aktibo matapos maitala ang 21 na bagong gumaling sa sakit kaya naman umakyat na sa 7,974 ang total recoveries sa PNP habang nananatili naman sa 27 ang bilang ng mga nasawi.

Facebook Comments