PNP, nakatanggap ng mga bagong oxygen equipment

38

Tumanggap ang Philippine National Police (PNP) ng halagang P300,000 donasyon ng bagong “oxygen equipment” kahapon sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ang donasyon na mula sa Great Heart Charity Association at MAIMAI Info Tech, Inc., ay tulong sa PNP General Hospital (PNPGH) para mas mabigyang serbisyo ang mga tauhan ng PNP at kanilang mga dependents.

Ipinagpasalamat naman ni Gen. Carlos, ang donasyon na binubuo ng 10 Unit ng XNUO M9 Oxygen Concentrators, kasabay ng pahayag na malaking tulong ang mga kagamitan ito sa laban kontra sa COVID-19.


Ang oxygen equipment ay agad na ipinamahagi sa iba’t ibang wards ng PNPGH kung saan kinakailangan ito ng mga pasyente.

Facebook Comments