PNP, nakatutok sa pagbangon ng Cebu at Masbate matapos tamaan ng lindol at Bagyong Opong

Pokus ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasaayos at pagtulong sa Cebu at Masbate na tinaguriang “ground zero” matapos yanigin ng malakas na lindol at hagupitin ng bagyo.

Kasunod nito, inatasan ni PNP Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng pulis sa mga apektadong lugar na panatilihin ang kaayusan, tiyakin ang kaligtasan ng komunidad, at suportahan ang relief at recovery operations.

Magbibigay rin ang PNP ng technical assistance para sa mabilis na assessment sa structural integrity ng mga gusali at kritikal na imprastraktura sa Cebu at iba pang lugar na matinding napinsala.

Sinabi pa ni Nartatez na aktibong bahagi ang PNP ng rehabilitation program bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gamitin ang lahat ng resources ng pamahalaan upang agad na matulungan ang mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments