
Kaisa ang Philippine National Police (PNP) at 17 Police Regional Offices nito sa pagdiriwang ng National Flag Day ngayong araw.
Ito’y bilang pagpupugay sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas matapos ang tagumpay ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop sa Labanan sa Alapan, Imus Cavite noong May 28, 1898.
Ngayong araw ay nagpapaalala sa bawat Pilipino ng mga sakripisyong ginawa ng ating mga ninuno sa paglaban para sa ating kalayaan.
Binigyang-diin ng Pambansang Pulisya na bahagi ng kanilang tungkulin ang patuloy na paglilingkod at pagbibigay-proteksyon sa taumbayan sa ilalim ng watawat ng Pilipinas.
Facebook Comments









