PNP, nakikipag-ugnayan na sa DOJ sa pagrepaso ng mga polisiya na may kaugnayan sa war on drugs

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na may mga ginagawang reporma sa kanilang organisasyon kaugnay sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) sa pagrepaso ng mga polisiya na may kaugnayan dito.

Kabilang dito ang transparency para palakasin ang accountability at itama ang mga dating kamalian upang matuldukan na ang mga kontrobersyang bumabalot sa gyera laban sa iligal droga.


Sinabi ni Eleazar, walang itinatago ang PNP at handa silang papanagutin ang mga pulis na mapatutunayang umabuso sa kapangyarihan o may ginawang katiwalian sa mga operasyon.

Samantala, nanindigan naman si Eleazar na sa kabila ng mga kontrobersya, tagumpay pa rin ang PNP sa kampanya kontra iligal na droga.

Facebook Comments