PNP, nakikipag-ugnayan na sa DOJ upang maisailalim sa watchlist ang mga nasa likod ng pagpatay kay John Matthew Salilig

Nakipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang mapasailalim sa Immigration watchlist ang mga hazing suspect na nasa likod ng pagpatay kay Adamson University student John Matthew Salilig.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., layon nitong maalerto ang mga awtoridad sakaling magtangkang umalis ng bansa ang mga suspek.

Kapag kasi nasa Immigration Lookout Bulletin Order ang mga suspek ay awtomatikong aabisuhan ang mga Immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pero hindi naman sila pagbabawalang lumabas ng bansa.


Matatandaang February 28 nang natagpuan ang bangkay ni Salilig sa mababaw na libingan sa Imus, Cavite, isang linggo matapos itong makitang buhay at sumalang sa initiation rites ng Tau Gamma Phi.

Facebook Comments