PNP – nakikipag-ugnayan na sa Indonesian Government para matukoy ang Indonesian couple na umano ay nagsilbing suicide bomber sa Jolo, Sulu

Sulu – Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Indonesian government para sa imbestigasyon sa Jolo twin Bombing.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albyalade – ito ay para matukoy ang pagkakakilanlan ng Indonesian couple na umano ay nagsilbing suicide bomber sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo.

Aniya – may bilateral agreement naman ang Pilipinas at Indonesia na magpapalitan ng intelligence information tungkol sa terorismo sa kani-kanilang bansa.


Matatandaang sinabi kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suicide bombing ang naganap na pagsabog sa simbahan, pero hindi pa kumbinsido rito ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Samantala, sabi ni PNP-CIDG Director C/ Supt. Amador Corpus – iniimbestigahan pa nila kung sino ang nagpadala sa mga suicide bombers na sinundo ni Kamah.

Facebook Comments