PNP, nakikipag-ugnayan na sa mga LGU para sa travel protocol ng mga domestic travelers

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Gen. Guillermo Eleazar ang mga regional at provincial police office na makipag-ugnayan sa mga local chief executives kaugnay sa mga kinakailangang dokumento ng mga biyahero.

Kasunod ito ng tila “laban – bawi” na travel protocols sa bansa ng mga fully vaccinated individuals.

Ayon kay Eleazar, mananatili ang kapulisan sa pagpapatupad ng kasalukuyang protocols para sa mga biyahero habang hinihintay ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil dito.


Aniya, inatasan rin niya ang mga pulis na linawin sa mga Local Government Unit (LGU) ang pag-iimplementa ng protocols laban sa COVID-19.

Nagpaalala naman si Eleazar sa mga turista na alamin muna ang mga ipinatutupad na protocols sa kanilang pupuntahan bago bumiyahe.

Facebook Comments