Inaalam na ni Philippine National Police o PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr., ang mga detalya hinggil sa nangyaring sexual assault sa isang mag-aaral ng University of the Philippines o UP.
Ayon kay Acorda, kasalukuyan nang hinahawakan ng Quezon City Police District o QCPD ang imbestigasyon sa kaso.
Inatasan na rin ng PNP chief ang QCPD na makipag-ugnayan sa pamunuan ng UP para sa mabilis na ikalulutas ng kaso gayundin ang agarang ikadarakip ng salarin.
Magugunitang nangyari ang krimen habang naglalakad umano ang biktima sa Ylanan Road na nasa loob ng UP Diliman Campus noong gabi ng Hulyo a-1.
Una nang nagpahayag ng kaniyang pagkabahala si Commission on Higher Education o CHED Chairman Prospero de Vera hinggil sa nangyari.
Sa kasalukuyan, binibigyan na ng atensyong medikal ang biktima habang kasalukuyang tinutugis ang nasa likod nito.