PNP, nakikiramay sa mga biktima ng Bagyong Carina

Nagpaabot ng taos pusong pakikiramay ang Philippine National Police sa lahat ng mga apektado ng Bagyong Carina sa National Capital Region at ilan pang rehiyon sa bansa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nagpahayag ng pakikiisa ang kapulisan sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay, tirahan, kabuhayan at nagtamo ng pinsala.

Tiniyak ng PNP ang kanilang commitment na makatulong sa recovery efforts at sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng lahat ng apektadong komunidad.


Ani Fajardo, sa ngayon ay nakakalat ang mga pulis sa mga apektadong lugar at puspusan ang pagsusumikap para pagkalooban ng tulong ang mga nangangailangang residente.

Facebook Comments