PNP, nakiramay sa pamilya ng nasawing dating kabarong si Jonel Nuezca

98

Hinihintay na lamang ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang ulat mula sa Bureau of Corrections kaugnay sa dati nilang kasamahan na si Jonel Nuezca na hinatulang makulong dahil na rin sa pagpatay sa mag-inang Gregorio sa Tarlac nang nakaraang taon.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, bagaman nagkasala si Nuezca sa batas bilang dating pulis na ngayon ay nagbabayad na sa kulungan, nais pa rin nilang malaman ang kabuuan ng pangyayari.

Kaya naman sinabi ni Carlos na nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Bureau of Corrections hinggil sa pagkamatay nito.


Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP chief sa pamilya ni Nuezca na aniya’y kahit nalihis ng landas ay magbibigay pa rin daw sila ng tulong sa pamilya nito bilang dating kasamahan sa tungkulin.

Facebook Comments