PNP nanatili ang mababang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na anim na araw

25

Nanatili ang mababang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na anim na araw.

Batay sa datos ng PNP Health Service, mula 842 kahapon ay bumaba pa sa 814 ang active COVID-19 cases sa PNP.

Ito ay dahil na rin sa pagdami ng mga gumagaling sa sakit na umabot na sa 40,594.


Matatandaang nadagdagan ng 115 new recoveries na naitatala ng PNP.

Habang nakapagtala ng 87 new cases kaya umabot na sa 41,531 ang mga tinamaan ng virus.

Nananatili naman sa 123 ang death toll sa pulisya.



Facebook Comments