Tuesday, March 24, 2026

PNP, nanawagan ng mas agresibong integrasyon laban sa ilegal na droga sa mga paaralan

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) ng mas agresibong integrasyon laban sa ilegal na droga sa mga paaralan kasunod ng pagkakaaresto ng isang school principal sa isinagawang buy-bust operation sa Surigao Del Sur.

Ang nasabing suspek ay 45 taong gulang , District 1 School Supervisor (Principal III) sa Tagbina, Surigao del Sur at naaresto noong March 20.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nakumpiska sa kanyang ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800 at ang markadong buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nakababahala na ang tagapagturo na dapat na isang role model ay nasangkot sa ganitong klaseng aktibidad kung kaya’t dapat na magtulungan ang lahat para maresolba ang ganitong problema para sa kapakanan ng mga estudyante at para sa edukasyon.

Binigyang-diin din ni Nartatez na habang ang mga estudyante ang kadalasang focus sa drug awareness, dapat na ang mga faculty at staff ay hindi rin nakakaligtaan.

Dahil dito, ay makikipagcoordinate ang PNP sa Department of Education (DepEd) para sa pagsasagawa ng mas pinaigting na preventive education pati na sa mga myembro ng faculty.

Facebook Comments