PNP, nanawagan ng tulong mula sa simbahan at pamayaman para sa Peace and Security Campaign

Umaapela ng tulong si Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., mula sa simbahan at pamayanan.

Ito ay kasunod na rin nang paglulunsad ng mas pinalakas na “Kasimbahayan” program o Kapulisan, simbahan at pamayaman.

Ayon kay PNP Chief Azurin, mahalaga ang pakikiisa ng simbahan at pamayanan sa pagsulong ng peace and security framework ng PNP na MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.


Paliwanag nito, ang simbahan ang siyang magsisilbing tulay sa pagitan ng PNP at pamayanan upang matagumpay na maisakatuparan ang pagpapatupad ng batas at mga programang hatid ay kabutihan at kapakanan ng mas nakararami.

Kasunod nito, muling iginiit ng PNP chief na papairalin ng pambansang pulisya sa bawat operasyon ang prinsipyo ng moralidad, pagtataguyod ng karapatang pantao at pagkilala sa rule of law.

Facebook Comments