Manila, Philippines – Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa CPP-NPA-NDF na huwag nang palakihin pa ang magulong sitwasyon ngayon sa Mindanao.
Kaugnay ito ng umano’y panghihikayat ng Communist Party of the Philippines sa New People’s Army na magsagawa pa ng mas maraming pag-atake bilang pagtutol sa martial law.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr/ Supt. Dionardo Carlos – bilang mga kapwa Pilipino, dapat aniyang makipagtulungan na lang sa pamahalaan ang NPA.
Samantala, ikinadismaya naman ng Malacañang ang naging reaksyon ng CPP-NPA-NDF sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Labor Secretary at Government Peace Panel Chair Silvestre Bello III – tila hindi nauunawan ng komunistang grupo ang totoong intensyon ni Pangulong Duterte sa pagdedeklara ng batas militar.
Dagdag pa ni Bello, insulto ito lalo’t nagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang grupo.
DZXL558