PNP, nanawagan sa New People’s Army na huwag guluhin ang mga nagpapatuloy na relief operations

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan sa New People’s Army sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly na huwag guluhin ang mga rescue at relief operations ng pulis at militar.

Sa halip, hinihikayat ni Cascolan ang mga rebelde na makipagtulungan na lang sa mga awtoridad para sa kapakanan ng mga komunidad na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni PNP Chief, minamadali ngayon ng pulis at militar ang mga relief operations para maibalik agad sa normal ang buhay ng mga apektado, alinsunod na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakipag-ugnayan na rin aniya ang PNP sa Armed Forces of the Philippines para sa equipment na kailangan sa clearing operations.

Mayroon na rin aniyang mga grupo sa pribadong sektor na nangako ng construction materials para sa rebuilding ng mga nasirang structure.

Sa ngayon, pinaghahandaan na rin ng PNP ang isa pang paparating na panibagong bagyo.

Facebook Comments