PNP, nangako ng buong suporta sa EOD K9 Group

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang pagpapalit ng liderato sa Explosives and Ordnance Disposal (EOD) K9 Group, ngunit tumanggi itong magdetalye kung ano ang naging dahilan ng pagbabago.

Ayon kay Torre, nananatili ang buong suporta ng Pambansang Pulisya sa EOD K9 na mahalagang katuwang sa operasyon para sa seguridad ng bansa.

Maalala na kamakailan ay nag-viral ang K9 na si “Kobe” matapos umani ng komento mula sa publiko dahil sa kapayatan nito.

Nilinaw ni Torre na dapat maunawaan ng publiko ang kaibahan ng working dogs at pet dogs, dahil sila ay sinanay para sa matitinding misyon at operasyon.

Nagpasalamat din si Torre sa lahat ng fur parents at iba pang nagpakita ng malasakit kay Kobe, at iginiit na bukas sila sa mga komento at suhestiyon para mas mapabuti ang serbisyo habang inaalagaan ang kapakanan ng mga asong katuwang nila sa trabaho.

Sa kasalukuyan, may mahigit 300 working dogs ang nasa pangangalaga ng EOD K9 Group na trained para sa sniffing, guard duties at tracking operations.

Facebook Comments