PNP, nangako sa naulilang pamilya ng pulis na brutal na pinatay na igagawad ang hustisya

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na igagawad ang hustisya sa pagkamatay ng isang pulis na brutal na pinatay ng kanyang kabarong pulis.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, sa ngayon ay nasampahan na ng kasong murder ang suspek na lalakeng pulis at kanyang misis na isa ring pulis.

Maliban sa kasong kriminal ay nahaharap din sila sa kasong administratibo at posibleng tuluyang matanggal sa serbisyo.


Nag-ugat ang kaso makaraang mapatay ng suspek ang biktima matapos umano nitong mahuli ang biktima at kanyang asawa sa isang “very intimate” na sitwasyon.

Nabatid na binaril at pinagputul-putol ang katawan ng biktima at saka binaon sa ancestral home ng lalaking suspek sa Baguio City.

Samantala, umaapela rin ang liderato ng Pambansang Pulisya sa anak ng biktima na isang Special Action Force o SAF personnel na huwag ilagay ang batas sa sariling kamay bagkus tumulong na lamang sa imbestigasyon para sa ikareresolba ng kasong pagpatay ng kanyang ama.

Facebook Comments