PNP, nangangailangan ng nasa 18,000 bagong pulis

Manila, Philippines – Nasa 18,000 mga bagong pulis ang kinakailangan ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, ma-aasigned ang 10,000 mga mare-recruit para sa pagpapalakas ng pwersa habang ipapalit naman sa mga nagretirong pulis ang 5,000 iba pa.

Aniya, ang 3,000 bagong recruit naman ang ilalagay sa pnp-special action force.


Sa ngayon, nasa P29,000 ang entry level salary ng isang pulis kada buwan mula sa dating P14,000.

Facebook Comments