Pinagtibay ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pangako nitong isulong ang pwersa ng kapulisan na technology-driven, propesyunal, at apolitical.
Sa kaniyang New Year’s Message, sinabi ni Chief Gen. Marbil na handa ang Pambansang Kapulisan sa pagtugon ng umuusbong na pangangailangan pagdating sa mga tagapagpatupad ng batas sa modernong panahon.
Dahil dito, binabalangkas ng Pambansang Pulisya ang kanilang inisyatibo na nakapokus sa teknolohiya tulad ng pagsusuot ng body cam, real-time crime mapping at pagpaganda ng cybercrime units.
Ayon kay Gen. Marbil na ang teknolohiya ay hindi lang isang gamit bagkus ito ay kinakailangang katuwang ng mga tagapagpatupad ng batas.
Dagdag nito na ang PNP ay nakatuon sa paggugol sa makabagong solusyon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.