PNP, nanindigan na nanlaban ang binatang napatay ng police Caloocan

Manila, Philippines – Nanindigan ang Phil. National Police na nanlaban o nakipagbarilan sa mga pulis ang labing syam na taong gulang na binata na si Carl Angelo Arnaiz na naaresto ng mga pulis Caloocan kamakailan dahil sa panghohold-up.

Taliwas ito sa naging pahayag ng Public Attorneys Office na hindi nanlaban ang binata batay sa kanilang ginawang autopsy.

Lumalabas pa sa autopsy ng PAO na pinahirapan o tinorture pa ang binata at nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib likod at kanang braso.


Ayon kay PNP Chief Dir. Gen Ronald Bato dela Rosa sa ngayon huwag na muna raw husgahan ang kanyang mga tauhan dahil iba ito sa kaso ni Kian delos Santos

Kahapon sinibak sa pwesto ni NCRPO Chief Police Dir. Oscar Albayalde ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay sa binata kasama na police community commander habang iniimbestigahan pa ang kaso

Facebook Comments