PNP nanindigang hindi kailangan ang deklarasyon ng martial law sa Negros Island

Hindi kailangan ang deklarasyon ng Martial Law sa Negros Island.

 

Ito ang pinanindigan ng Philippine National Police dahil sa sunod sunod na patayan sa Negros Oriental.

 

Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, walang pangangailangan  para magdeklara ng batas militar sa lugar.


 

Maging aniya si Pangulong Rodrigo Duterte ay walang nababanggit hinggil sa plano ng pagsasailalim sa lalawigan sa martial law.

 

Una nang sinabi ni Bayan Muna Representative at House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, maaaring gumising na lang ang taumbayan na nasa ilalim na ng Batas-Militar hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

 

Umabot na kasi aniya sa walumpu’t pito ang namamatay sa Negros.

Facebook Comments