PNP, nanindigang hindi kukunsintehin ang anumang ilegal na aktibidad sa kanilang hanay

Nananatiling matatag ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang paninindigan laban sa anumang iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan.

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo, walang PNP chief, mula noon hanggang sa kasalukuyang administrasyon, ang magpapahintulot ng iligal na gawain sa kanilang hanay.

Sinabi rin ni Fajardo na handang makipagtulungan ang PNP sa imbestigasyon sakaling magkaroon ng kahalintulad na isyu gaya ng kontrobersyal na 990-kilo ng shabu na nasabat sa Maynila noong 2022.


Dagdag pa ni Fajardo, maraming pulis na ang na-dismiss sa serbisyo, anuman ang kanilang ranggo.

Bahagi aniya ito ng patuloy na kampanya ng Pambansang Pulisya na linisin ang kanilang hanay at patatagin ang integridad ng kanilang organisasyon.

Facebook Comments