Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na lehitimo at hindi iligal ang ginawang pagsalakay ng kanilang mga tauhan sa mga bahay ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo “Arnie” Teves Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, sumunod ang unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lahat ng procedures sa paghahain ng search warrant.
Aniya, nakasuot pa nga ng body camera ang mga pulis na sumalakay sa mga tahanan ni Teves at may mga testigo sila na mga kinatawan ng mga barangay sa ginawang operasyon.
Ginawa ni Fajardo ang pahayag makaraang umalma ang kampo ni Teves sa nasabing raid dahil sa ito umano ay iligal.
Nabatid na sa isinagawang raid, 10 short firearms, anim na rifles, tatlong granda, 22 magazine ng baril at daan-daang mga bala ang nakumpiska ng kapulisan.