PNP, nanindigang lehitimo ang ikinasang operasyon sa Sultan Kudarat kung saan nasawi ang anak ng isang police officer

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang kanilang operasyon noong isang linggo sa Lambayong, Sultan Kudarat na nagresulta sa pagkamatay ng anak ng isang police officer at dalawa nitong kasamahan.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil dito ng mga awtoridad.

Aniya, may isinasagawa nang motu propio investigation ang Internal Affairs Service (IAS).


Giit nito, kapag napatunayang may lapses sa part ng PNP ay otomatikong may mananagot hinggil dito.

Sa inisyal na imbestigasyon, dinedma ng 3 nasawi na sina Horton Ansa Jr., Arshad Ansa, at Samanoden Ali ang checkpoint at nakipagpalitan pa ng putok sa mga pulis.

Nakuha rin sa crime scene ang hinihinalang shabu.

Samantala, itinanggi naman ng ama ni Ansa na isang police officer na nakatalaga sa Sharif Saydona Mustapha town na ginawa ito ng kanyang anak at mga kasama sa katunayan nais sana nito maging isang pulis tulad niya.

Facebook Comments