Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na kabilang sa New People’s Army (NPA) ang siyam na napaslang sa isang operasyon sa Capiz.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, posibleng kabilang ang mga ito sa grupo ng indigenous people’s na nahikayat ng mga terorista na sumama sa kanilang grupo.
Nakakuha naman aniya ng search warrant ang kapulisan upang magsagawa ng operasyon matapos iulat ng mga saksi na mayroong teroristang grupo sa lugar.
Matatandaang nitong Miyerkules nang mangyari ang sagupaan ng PNP kontra sa mga ito kaya’t nasawi ang siyam habang 17 ang naaresto na hinihinalang miyembro ng NPA.
Facebook Comments