PNP, nanindigang walang hacking o data breach na nangyari sa kanilang database

Binigyang diin ng Philippine National Police (PNP) ang naging pahayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary John Uy na walang hacking o data breach na nangyari sa kanilang database.

Ayon sa PNP, maigting ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DICT upang matiyak ang security, safety, at privacy ng kanilang PNP recruitment application portal.

Sa ngayon, minamadali na ng PNP Anti-Cyber Crime Group ang kanilang internal investigation upang matukoy kung nagkaroon ng paglabag sa Republic Act 10173 (Data Privacy Act of 2012).


Nagsasagawa na rin ng assessment ang Directorate for Information and Communication Technology para malaman kung nagkaroon ng protocol and procedure lapses.

Ang nasabing pahayag ng PNP ay alinsunod na rin sa umano’y leak sa PNP recruitment application portal na ibinunyag ni Jeremiah Fowler, isang cyber security researcher.

Facebook Comments