PNP, naniniwalang malaki ang maitutulong ng body camera sa kanilang anti-drug operations

Manila, Philippines – Kumpyansa ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang maitutulong ng mga bibilhin nilang mga body camera sa mga gagawing police operations.

Sinabi ni PNP spokesperson chief Supt. Dionardo Carlos, makakatulong ang mga nasabing body cam para maging transparent ang kanilang mga operasyon lalong lalo na sa kanilang anti-drug operations.

Magagamit din ang mga kuha mula sa body cam sa imbestigasyon sakaling may kwestyon sa mga ikinasa nilang drug raid.


Dagdag pa ni Carlos bubuo ng Technical Working Group ang PNP na magdedetermina kung ano ang mga specifications ng mga bibilhing body cams.

Paunang 37,000 body cameras ang nakatakdang bilhin ng PNP na ipapakalat sa kanilang mga primary units tulad ng CIDG, Drug Enforcement Group at mga field units.

Facebook Comments