PNP, napatunayang nakagagamot ng COVID-19 ang Remdesivir

Napatuyan na ng Philippine National Police (PNP) na malaking tulong sa pagaling ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 ang gamot na Remdisivir.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Debold Sinas, kasabay ng pagbubukas ng karagdagang quarantine facility sa Camp Crame.

Sinabi ni Sinas, lahat ng mga pulis na pumapasok sa kanilang quarantine facility ay awtomatikong pinapipirma para gamitin sa kanila ang Remdesivir.


Aniya, kumuha sila ng mga eksperto mula sa dalawang kilalang malalaking ospital sa Metro Manila bilang Consultant.

Sila ang nagbibigay ng payo sa mga doktor ng PNP General Hospital kung paano gamitin ang nasabing gamot kasabay ng iba pang Antibiotic na ibinibigay sa mga symptomatic na mga pulis.

May 30 pasyenteng unang pinainom ng Remdesivir, 29 ang gumaling pagkatapos ng limang araw at isa lamang ang nailipat sa pagamutan dahil sa iba niyang sintomas.

Pero ayon kay Gen. Sinas, mahal ang nasabing gamot ngunit ito ay ginagastusan ng PNP upang lang matiyak na gumaling sa COVID-19 ang kanilang mga tauhan.

Facebook Comments