PNP, nasa last minute adjustment na lang nang paghahanda para sa ikalawang SONA ni PBBM

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nire-review na nila ang last minute adjustment sa seguridad ng SONA ng pangulo.

Tinututukan din ng PNP ang pagsasagawa ng communication exercises at simulation exercises.


Gayundin ang ocular inspection at walk-through sa area of convergence.

Aniya, nasa 5,000 mga pulis ang ipakakalat ng PNP sa SONA ng Pangulo sa Hulyo a-24.

Sa ngayon, walang namo-monitor na seryosong banta ang Pambansang Pulisya sa SONA ng pangulo pero hindi parin aniya sila nagpapakampante.

Facebook Comments