Nilinaw Philippine National Police na hindi ikukukong ang mga mahuhuling lalabag sa vaping ban.
Ito’y matapos na ipag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag aresto sa mga gumagamit ng vape.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, ang sinumang mahuhuli sa akto na humihithit ng vape ay iimbitahan lang sa presinto upang pagpaliwanagin at irekord sa police blotter.
Pero kung may ipinatutupad na ordinansa ang isang syudad o bayan kaugnay sa pagbabawal ng e cigarette ay maari itong mag multa.
Mananatili aniya ang ganitong proseso hanggat wala pang nailalabas na Executive Order ang Palasyo hinggil sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Paalala pa ni Banac sa publiko na makipag tulungan sa kanilang kampanya para sa magandang kalusugan ng lahat.
Kanina agad ipinag utos ni PNP OIC PLt Gen. Archie Gamboa ang nationiwde crackdown para sa mga gumagamit ng e-cigarretes o vape.
Sa kautusan ng OIC, inatasan na nito ang lahat ng mga units at commanders na imonitor ang kani-kanilang areas of responsibility.
Paiigtingin ang pagbabantay lalo na sa mga pampublikong lugar.
Utos ni Gamboa, hahabulin nila ang lahat ng magtatangkang magve-vape lalo na sa mga non-smoking areas.
Maaari ring kumpiskahin ang mga vape paraphernalias sa mahuhuling gumagamit nito.