
Iginiit ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang sapat na ebidensya para idiin si Alvin Que sa pagdukot at pagpatay sa kanyang ama na si Anson Que.
Ayon kay Marbil, inalis na ng Department of Justice (DOJ) si Alvin bilang respondent sa kaso.
Paliwanag ni Marbil, hindi maituturing na katotohanan ang naging salaysay ni David Tan Liao na utak sa krimen.
Matatandaang sa kanyang sworn affidavit, itinuro ni Liao si Alvin Que na siya umanong nag-utos sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que.
Ngunit ayon sa PNP, hindi isinasantabi ang posibilidad na inililigaw lamang ni Liao ang imbestigasyon.
Samantala, bukod sa suspek na si Kelly Tan Lim na may patong na P5 milyong pabuya sa ulo, may isa pang hinahanap ang PNP, ngunit tumanggi si Marbil na pangalanan ito dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.









