PNP, nilinaw na wala pang kumpirmadong insidente ng nakawan sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette

71

Nilinaw ng Philippine National Police na wala pa silang naiitalang insidente ng nakawan sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ito ay matapos kumalat ang mga balitang nagkakaroon na ng looting sa mga lalawigan ng Bohol, Dinagat Islands at isla ng Siargao.

Ayon kay PNP Chief Dionardo Carlos, nakakatanggap sila ng mga ulat tungkol sa insidente pero wala pang opisyal na reklamo na inihahain sa kanila.


Habang tiniyak naman ni Carlos na patuloy ang kanilang pagbababantay para maiwasan ang mga nakawan sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Facebook Comments