Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang nawawalang case folders ng mga tiwaling pulis mula sa National Capital Region.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ito ay matapos ang ginawang inventory ni NCRPO Chief, PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Ani Fajardo, nakipag-ugnayan sya sa hepe ng Regional Personnel and Records Management ng NCRPO na si PCol. Rodel Pastor at doon sinabi nito na walang nawawalang case folders.
Sa halip aniya ay na-misplaced lamang ang mga ito dahil sa kakulangan ng maayos na turnover ng mga pulis na humahawak sa mga kaso matapos silang mare-assign sa ibang unit.
Una nang iniulat ng NCRPO na mula nang umupo bilang hepe ng NCRPO si Nartatez, nasa 300 mula sa kabuuang 800 mga tiwaling pulis ang tinanggal na sa serbisyo.