PNP, nilinaw na walang pananagutan ang netizens na nag-share sa viral video ng Ateneo student

Manila, Philippines – Walang pananagutan ang netizens na nag-share ng mga larawan at video ng Ateneo student na nam-bully ng kapwa estudyante.

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group Director Chief Superintendent Marni Marcos Jr. – maituturing lang na public consumption ang isang insidente kung kinuha sa account ng akusado ang mga personal at private photos saka ito ikinalat online.

Nito lang nakaraang linggo nang mag-viral sa social media ang video ni Joaquin Montes kung saan makikita ang pananakit niya sa kanyang mga kapwa estudyante.


Habang kahapon nang magdesisyon ang pamunuan ng Ateneo na i-dismiss siya sa eskwelahan.

Pero ayon sa Department of Education (DepEd), mahaba pa ang lalakbayin ng laban para mapawi ang naiwang trauma sa mga naging biktima umano nito ng pambu-bully.

Facebook Comments