Ikinagulat ng pamilya ni Alvin Que at ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) Task Force sa pamumuno nina Deputy Chief for Investigation Lt. Gen. Edgar Alan Okubo at CIDG Chief PMGen. Nicolas Torre III ang mga lumabas na ulat na nagsasangkot kay Alvin Que sa kasong pagdukot at pagpatay sa kaniyang ama na si Anson Tan o mas kilala rin bilang Anson Que.
Nilinaw ng PNP na batay sa mga ebidensyang hawak ng Task Force, malinis ang pangalan ni Que at wala itong kaugnayan sa krimen.
Ang kumpirmasyon ay naiparating na rin sa Department of Justice (DOJ).
Una nang sinabi ni Atty. Kit Belmonte, abogado ni Que, na walang basehan ang mga paratang ni David Tan Liao, ang pangunahing suspek sa krimen.
Kasunod nito, nagpapasalamat ang kampo ni Que sa mabilis na aksyon at paglilinaw ng pamunuan ng PNP sa pangunguna ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.









