PNP Officer in Charge Archie Gamboa pabor na ituloy ang martial law sa Mindanao pero sa piling lugar lang

62

Nais ni PNP Officer in Charge Lt Gen Archie Gamboa na palawigin pa rin ang martial law sa Mindanao.

 

Ngunit dapat aniya ay sa mga piling lugar lang sa Mindanao ituloy ang batas militar.


 

Pero sinabi ni Gamboa na mas mabuting hintayin muna ang resulta ng peace and order assessment  ng PNP directorate for intelligence at PNP directorate for operations sa buong Mindanao.

 

 

Sa resulta ng assessment matutukoy kung dapat o hindi na palawigin pa ang martial law o di kayay sa mga piling lugar nalang sa Mindanao irekomenda ang extension ng martial law.

 

Sa darating na Biyernes ang deadline na ibinigay ni Gamboa sa kanyang mga tauhan para isumite ang assesment sa peace and order sa Mindanao.

Facebook Comments

From Advertisers