PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar na naging close contact ni PNP Chief General Debold Sinas, negatibo sa COVID-19

Negatibo ang resulta ng RT-PCR swab test ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge PLt. Gen. Guillermo Eleazar.

Ito ay mismong inihayag ni Eleazar, matapos na maging close contact ni PNP Chief PGen. Debold Sinas, na unang nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, nagpasuri rin siya kahapon at ngayong umaga lumabas ang resulta.


Nakasama niya raw si Sinas noong Miyerkules, at hanggang sumunod na araw pero palagi silang naka-face mask at face shield.

Kaya para kay Eleazar, malaking tulong sa pag-iwas na mahawaan ang sakit ang palagiang pagsunod sa minimum health protocols.

Una nang sinabi ni Eleazar na classified bilang “low risk” ang mga close contacts ng isang nagpositibong indibidwal kung sila ay naka-face mask at face shield at sumunod sa physical distancing, habang “high risk” naman ang mga hindi.

Facebook Comments