PNP-OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., binantaan ang mga nagbabalak mandaya sa eleksyon

Nagbanta si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., sa sinumang mga nagpaplanong mandaya sa araw ng halalan na may kalalagyan ang mga ito.

Ayon kay Danao, gagamitin ng PNP ang kanilang buong pwersa laban sa sinumang magtatangka sa botohan.

Kaya pasensyahan daw ayon kay Danao kapag nahuling mandaya.


Samantala, nagpapaalala naman si Danao sa lahat ng pulis na manatiling apolitical.

Mahigpit na bilin nito sa mga pulis na kahit kaninong kandidato man maitalagang magbantay dapat ay pantay-pantay ang pagtrato.

Samantala, walang babaguhin si Danao sa deployment ng mga pulis ngayong panahon ng eleksyon, aniya pinal na ang deployment plan, security plan at contingency plan para eleksyon.

Pagtitiyak ni Danao handa na ang buong pwersa ng PNP sa pagtupad nang kanilang tungkulin para sa national at local elections 2022.

Facebook Comments