PNP, pabor na bawasan ang social distancing sa mga public transportation

Walang problema kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan na bawasan ang social distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Cascolan, bahagi ito ng pag-aadjust sa new normal ngayong may COVID-19 pandemic.

Naniniwala si PNP Chief na pinag-aralang mabuti ang hakbang na ito.


Nabatid na ngayong araw, ipinatupad na ng Department of Transportation (DOTr) ang reduced social distancing sa pampublikong transportasyon kung saan mula sa 1 meter na distansya ay ginawa na itong 0.75 meter sa mga pasahero.

Sa ngayon, sa panig naman ng Philippine National Police, sinabi ni Cascolan na gumagawa na sila ng mga bagong inisyatibo para sa mga programa na makakatulong para makaiwas sa COVID-19.

Batay sa huling ulat ng PNP Public Information Office, umabot na sa 5,060 ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

3,623 naman ang gumaling na sa sakit.

Facebook Comments