PNP pabor na ibaba sa 9-anyos ang age of criminal liability

Manila, Philippines – Sang-ayon si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na ibaba sa siyam na taong gulang ang age of criminal liability.

Sinabi ni Albayalde sa isinagawang regular presscon sa Camp Crame na pabor sila sa pag-amyenda sa Juvenile Justice Act.

Paliwanag nito pabata ng pabata ang mga nasasangkot sa krimen gaya ng pagtutulak ng iligal na droga, panggagahasa at iba pang krimen.


Pero suhestiyon ng PNP chief, mas mabigat dapat ang parusa sa mga magulang na itinutulak ang kanilang anak para gumawa ng krimen.

Sa huli aniya bilang law enforcement agency, susunod lamang sila sa kung ano ang nakasaad sa batas at mga maipapasang batas.

Facebook Comments